top of page
118586911_350353763014561_51162649943196

Kapit Bisig sa Taong 2021

Teacher II

      Sa pagpasok ng bagong taon ay isang pag-asa ang nabuo sa isipan at puso ng bawat isa sa atin.Mga taong sa isa’t isa humuhugot ng lakas upang malampasan ang hamon sa buhay na mas pinahirap pa ng pandemya.Isa sa pinaka naapektuhan nito ay ang sistema ng ating edukasyon at ang hamon sa bawat mag-aaral at mga guro na kung paano ito haharapin.Pinadapa tayo ng pandemya ngunit hindi ang pangarap ng bawat mag-aaral na makapagtapos at tuparin ang kanilang mga pangarap.

      Matatandaan na noong Oktubre 5, noong nakaraang taon ay nagbukas ang taong panuruan 2020-2021.Nakalampas na tayo sa unang tatlong buwan ng panuruan.Ang bawat mag-aaral na nasa modular,e-module at online class ay matiyagang naitaguyod ng mga mag-aaral at mga guro ng Bataan National High School-SHS sa pangunguna na aming OIC-Principal Roland M. Fronda. 

      Ngayon ay nasa ikalawang kwarter na ng unang semester ang mga mag-aaral.Noong ika- 15 ng Enero ay matagumpay ngang natapos ang unang pasahan ng mga awtput at distribution ng card  ng mga mag-aaral sa pangunguna ni Gng. Melanie I. Carlos at sa tulong na rin ng mga kasundaluhan na siyang nanguna sa pagpapatupad ng Health Protocol  at pagpapanatili ng seguridad ng mga mag-aaral at guro habang isinasagawa ang nasabing Gawain.

Hindi tayo susuko sa hamon ng buhay bagkus ay gamitin natin itong lakas upang lalo pang pagbutuhin at palakasin ang ating puso at isipan sa malayo-layong landas na tatahakin patungo sa isang matamis na panalo sa hagupit ng mundo.Kapit bisig tayong lahat na abutin ang ating tagumpay.Sa bawat unos na dumarating ay parating may bagong umaga na magbibigay liwanag sa pagkamit ng mga pangarap.

bottom of page